GINTONG BARYA

Gintong Barya is the only poem I wrote in Filipino and was first published in the college poetry magazine called “Enigma“. This was also accepted and published online. Please see Mga Tagalog na Tula sa Pilipinas.


‘di alintana ang munting kumikinang
Pinaghirapang makamit pinupuri pa ba ang kakayahan?
Pilit iwinaglit ang bahid ng pait
Isip at gawa’y magkasalit-salit.

Kung magtatapon tila walang hunusdili
Mapag-imbot na imahe pilit maipanatili
Mga mata’y animo’y tiwalag sa lungkot
Pagkatao pala’y namamaluktot.

Nahihibang na sa kinagisnang buhay
Pati paa ibinaon sa hukay
Sari-saring bisyo nagnigo’t naglintog
Kahit wala ng makapa’y di pa rin natatalpog.

Mabuti pa ang isang kahig at tuka
Sa balaho ng hirap marunong kumawala
Prinsipyo’t dangal di tinatablan ng anumang salot
Bunga ng dalitang saplot.

Ginto na’y naging pilak pa!
Dugong nahunos nawalan ng halaga
Humuhulagpos sa daluyong di mapigilan
Barya nga lang, mahirap din palang makamtan.

© Gheeneil

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: